Ika- 28 ng Disyembre 2013
Sa pag uumpisa ng aking araw, abala ang lahat dahil sa huling lamay na ng aking namayapang tiyuhin. Niligpit namin ang mga nagkalat na mga upuan, inayos ito para sa mga lalamay mamayang gabi. Habang abala ang lahat di ko namalayang nalaglag pala ang aking sing-sing, sobrang halaga panaman noon kahit na mumurahin lamang ang dating. kinatanghalian akoy natulog na lamang dahil sa mag pupuyat nga kami. Maraming bisita ang darating kung kayat kinakailangan namin itong asikasuhin. Ang nakakainis dito, di ako makatulog ng maayos, pinulikat ang aking paa ng tatlong beses, sobrang sakit talaga, ayaw na ayaw ko ng pinupulikat, buti na lamang at nahinto rin at nag tuloy tuloy na ang aking pag tulog. Sa aking pag gising mga bandang alas 5, nagmeryenda kami ng burger pagkatapos noon ay naligo kami, mukha kaming timang na nag uunahan sa banyo, haha.. kung nakikita nyo lang sana ang reaksyon ng bawat isa sa amin ay sasakit ang iyong tiyan sa katatawa.
Sa aming paglabas, agad kaming kumain ng panggabihan. Napaka daming mga kamag anak,kaibigan ang dumalo sa lamay. Kahit nga mga hindi namin kilala, andoon rin. Napag isip isip ko tuloy, kung may patay daig pa ang family reunion, kumpleto, nanay ko lang yata ang wala, hindi kasi siya pinayagan ng amo niya.
pasado ala-1 na noon, nagpasya kami na kumain ng goto, nagugutom na kasi kami at nilalamig pa. May mga lasing na dumadaan na sa halip na kami ang pagtripan kami pa ang nang titrip. :) haha..
Sa maming pag uwi, dito ko naisip na sobrang bilis ng karma, pinag hahabol kami ng aso, narinig nanaman nila ang aking bonggang bonggang tili. Nakakahiya lamang ng kaunti dahil, lahat sila nagtinginan sa amin. Di ko alam kung tatawa o iiyak ako >_<' haha.. ang saklap ng nangyare sa akin ngayon.
Isa lang naman ang natutunan ko ngayon, na sobrang bilis talaga ng karma, darating siya ng di mo inaasahan. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento