Ika- 29 ng Nobyembre 2013
Araw ng linggo, puyat nanaman. Kung natatandaan ninyo, huling lamay na kagabi ng aking namayapang tiyuhin. Maaga namin idaraos ang seremonya kung saan ihahatid namin siya sa kanyang huling hantungan.
Malungkot na panimula ang agad na bumati sa akin. Sa pag labas ko ng pintuan, sumalubong agad sa akin ang mga nag iiyakan kong mga kamag-anak,kaibigan at kahit mga hindi namin kakilala.
Bago pumunta ng sementeryo, ang lahat muna ay nag sikainan. Nag handa sila ng pansit para ipakain sa mga dadalo sa libing. Pagkatapos noon, mga bandang alas -9 dumating na ang mga sasakyan syempre, hindi mawawala ang mga tradisyon tulad ng pag babasag ng bote o mga babasagin, kailangan na walang maiiwang tao sa loob ng bahay kapag ilalabas na ang ataul at kinakailangan din daw na hindi ito babangga o sasagi sa pintuan. Hindi ko alam kung para saan ang mga ginagawa nilang iyon, basta ang mahalaga sa akin ay maihatid at mabigyan ang aking tiyuhin ng isang mapayapang huling hantungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento