Linggo, Disyembre 8, 2013

Nakakalokang Linggo :)

Ika-8 ng Disyembre 2013

                             Linggo ng umaga, himala !, nagising ako ng walang kasama, Sila ay abala sa aming munting negosyo na pagpapautang ng baboy.Lumabas ako upang silay silipin,maya mayay bigla kong naalala na mayroon palang sale ngayon sa Floche (pagawaan ng sapatos), ang aking pinsan ay isa sa mga empleyado roon,kung kayat ang mga sapatos katulad ng parisian,onata ay mabibili lamang namin sa napaka murang halaga.

                           Mga bandang alas 8:00 ng umaga ng kami'y nagtungo dito,nagulat ako ng biglang, BOOM ! sobrang dami ng tao, kung titignan mo pa lamang ay parang di mo na gugustuhing lumapit roon,paano pa kaya kung ikaw mismo ang makikipagsiksikan doon.Sa kalagitnaan ng aming pamimili,nilapitan ako ng aking pinsan at pinapili ako ng sapatos,libre nya daw, napabulong tuloy ako, aba ! mayaman. Pagkatapos naming mamili, nag trycicle kami pauwi.

                           Sa aming pagdating, dali dali kong pinag susukat ang aming mga pinamili, andami ko palang napamili, akalain nyo yun, tatlong pares ng sapatos dinaig ko pa yata si Squidward kung mamili ng sapatos,hilig ko kasi ang mga sapatos lalong lalo na yung mga may takong. 

                         Kinahapunan, nagpunta naman ako sa bahay ng aking isa pang pinsan, kaarawan niya kasi, ayon, nagpunta ako doon kahit walang regalo,kahit na pansit lamang ang kanyang handa masaya naming naidaos ang kanyang kaarawan, may kaunting inuman ang mga matatanda at kung may inuman,hindi naman mawawala ang kantahan.

                        Sa pag sapit ng alas 5:00 ng hapon,ako naman ay naghanda para sa gaganaping misa,madalas kasi akong nag pupunta ng misa ng 6 ng hapon. Natutuwa ako sa pari sa tuwing nag mimisa dahil magaling siyang mangaral at minsan nama'y hahaluan niya ito ng kaunting pagpapatawa, para hindi antukin ang mga pumupunta ng misa.

                      Sa pagtatapos ng araw ng linggo, pag dating ko galing ng simbahan, tulog nasila ng aking abutan,kumain ako ng mag isa sa hapagkainan at pagkatapos niyon ay natulog na rin ako.

2 komento:

  1. Nakakatuwa ang kuwento ko. haha~ sana binilhan mo rin ako ng sapatos. sa sunod ha.. lol

    TumugonBurahin
  2. salamat po ma'am :) haha..
    hayaan nyo po next time nalang :D

    TumugonBurahin