Lunes, Disyembre 30, 2013

Abalang araw ng paghahanda :D

 Ika- 30 ng Nobyembre 2013

                  Maaliwalas na umaga ang sa aki'y sumalubong, sa aking pag gising, tinanong agad ako kung ano ang mga pwedeng ihanda para sa noche buena bukas ng alas -12 ng gabi. Ipinalista sa akin ang mga kakailanganing mga sangkap at mga rekado na gagamitin sa salad at spaghetti. Hindi nila namamalayan na sa kada tatlong lista ay dinadagdagan ko ito ng ibat ibang produkto. Haha.. nautakan ko nanaman sila. 

              Mga bandang ala-1 nag tungo kami sa Super 8 para mamili, hindi ko na sinamahan si nanay para umikot, basta ang sabi ko na lamang kung ano ang nakalista iyon dapat ang bibilihin. Agad akong nag tungo malapit sa pintuan ng pamilihan, mayroon kasi roon na isang klase ng makina na kung saan pwede kang mag pamasahe. Mag huhulog ka lamang ng dalawang pung piso ay giginhawa agad ang pakiramdam mo. Buhay nga naman ng tao, haayy.. 


              Isa lang naman ang natutunan ko ngayon, Masyado ng mataas ang antas ng teknolohiya sa atin ngayon sa kasalukuyan. Dapat pahalagahan dahil di natin alam ang mga isinakripisyong mga likas na yaman para lamang maabot ang aganitong uri ng antas ng pamumuhay. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento