Huwebes, Disyembre 19, 2013

 Ika-17 ng Disyembre 2013




                             Ngayong araw,  ganoon parin ang takbo ng araw , paulit ulit ang sistema ng aking pamumuhay. hayy ! Nakakabagot na nga yata tong basahin eh. haha.. pero, ok lang yan tiyaga tiyaga lang . bakasyon naman na eh. 

                             Sa simula ng aking araw katulad parin noon, gigising ng maaga,maliligo, at papasok sa eskwelahan. Pag pasok ng silid wala ring pinagbago, sasalubong sayo ang mga nagdadaldalan mong mga kaklase. Dahil lunes, hapit na hapit at natataranta nilang ginagawa ang kani kaniyang mga takdang aralin, haha.. matatawa kayo kung nakikita nyo lang silang nagmamadali dahil di na nila magagawa iyon kapag nag simula na ang pagtataas sa watawat. Pilipino time ika nga.

                        Sa pag uwi, tila tostado na ang aking buong katawan, lakarin ba naman namin siruna hanggang maligaya II , pakiramdam ko mamamatay nako, wala kasing pamasahe, sapat na pera lang ang binibigay na baon ng aking lola, minsan nga eh hindi na ako binibigyan ng pera kapag may gastusin sa paaralan, kaya ayon, nagsisikap ako para makatapos. Aba ! ang hirap na yata ng buhay ngayon, wala ng libre libre ! kaya pagdating sa bahay, bagsak agad ako sa higaan, nakalimutan ko ng kumain ng aking tanghalian at hanggang sa magising nalang ako, naku ! gabi na pala. may mga takdang aralin pa akong dapat tapusin. Parang kinukuryente tuloy ako sa kagagawa ng mga takdang aralin.

                 Matapos ang mga ilang oras, sa wakas natapos rin. sobrang sakit ng kamay ko kaka sulat. mukha na akong may sampung mga anak dahil sa itsura ko. biruin mo ba naman eh.. pag gising ko sa lamesa agad ako dumeretso. Pero ayos lang ang mahalaga natapos ko ang aking mga gawain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento