Linggo, Disyembre 8, 2013

Nakakalerki na sabado

Ika-7 ng disyembre 2013


                        Umpisa ng araw ko ngayong sabado, pagpatak ng alas singko ng umaga,bunganga na kaagad ng aking lola ang aking nabungaran,sermon dito, sermon doon, hayy nakakabingi na. pag sapit ng ika 6 ng umaga, pinag handa ko sila ng kanilang ipang aagahan. Bumili ako sa labas ng pandesal at ipinag timpla sila ng kape.

                        Tanghali iyon, akoy nag tungo sa tahanan ng aking kamag aral,alam niyo naman medyo tinatamad mag sulat, hinira ko ang kanyang kwaderno sa asignaturang Values, mag babakasyon nanaman kasi kaya malapit na magpasahan ng mga kinakailangang proyekto.


                       Pagkatapos ko gumawa ng aking portfolio,dinapuan na ako ng antok kung kaya't akoy nakatulog.Sa aking pag gising,Akoy naligo at pagkatapos nama'y inayos ko ang aking mga pagsusulit sa ibang asignatura.

                       Kinagabihan,inutusan naman ako ni nanay na bumili ng ulam sa talipapa,ang nakakaloka dito, akoy nataranta sa kakahanap nung perang iniwan sa lamesa, ang hindiko alam ay nailagay ko na pala sa aking pitaka,paiyak na ako kakahanap noong perang iniwan,ilang beses ko itong binalikan ngunit wala talaga. Sinubukan kong sumilip sa aking pitaka at ayon nandoon lang pala,masyado akong kinabahan doon. Buili ako ng anok para iadobo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento