Miyerkules, Disyembre 25, 2013

malamig na simoy ng pasko -_-

 Ika- 25 ng Disyembre 2013

                     Bawat isa sa atin ay ipinagdiriwang ang kapaskuhan. Lahat ay may kanya kanyang kahilingan, halos lahat may bagong damit at laruan. Ang ibay abalang abala sa pag punta sa kanilang mga ninong at ninang, tito at tita, lolo at lola upang humingi ng kani-kanilang pamasko.

                   Sa pag sisimula ng aking araw, walang nagbago, ganoon parin tulad ng dati. Tanghali na ng ako'y magising, akalain mo nga naman, may maganda din palang dulot ang pag pupuyat. Hindi tuloy nakapamasko ang aking mga inaanak dahil sa ako'y tulog pa. :) Wala akong ganang mamasko, bukod sa akoy dalaga na, pinangungunahan parin ako ng hiya. Pero kahit na ganoon, binigyan parin ako ng aking ninang ng wallet na may lamang pera :) yohoo ! may pera na ako :) haha.. 

                Hindi rin naman masaya ang pasko ko, Sino ba naman kasing sasaya na mag papasko kayo e mayroon kayong pinag lalamayan. 

                Isa lang naman ang hiling ko ngayong pasko, Magandang buhay ngayon at magandang kinabukasan bukas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento