Lunes, Disyembre 9, 2013

Hayahay na Lunes

Ika-9 Ng Disyembre 2013

                     Araw ng lunes,tinanghali ng gising,hindi tuloy nakapasok, 8 na kasi ng umaga ng mamulat ang aking mga mata. Ang nakapagtataka lang dahil hindi kagaya ng pangkaraniwang araw na maaga silang nagigising, hindi kasi ako nagigising hanggat walang gumigising sa akin kapag may pasok, tulog mantika ika nga. Sa aking pagbangon mula sa higaaan, pumipikit pikit pa ang aking mga mata ngunit, lumaki itong bigla ng may gumapang na iang maliit na bubuwit sa aking paanan, bonggang bongga ang aking sigaw na matinis na siya namang nag silbing alarm clock sa kanila. Napaakyat ako sa lababo at mukhang timang na pinag susungkit ang maliit at walang kamuang muang na bubuwit.

                    Pagsapit ng katanghalian, walang agawa sa bahay. Akin na lamang binuksan ang telibisyon at nanuod ng kinababaliwan ng lahat na palabas nina sir chief at maya na Please Be Careful With My Heart. Pagkatapos noon,naligo ako at makakaidlip na sana ako ng akoy gulatin ng aking lola. Bawal daw kasing matulog ng basa ang buhok,nakakabuang daw kasi at nakababaliw. napaisip tuloy ako kung totoong nangyayari nga ba talaga ang ganitong mga insidente. Pero, sa pangyayaring iyon as pinangunahan kaagad ako ng takot kaya itoy akin sinunod na lamang, wala naman kasing mawawala kung susundin mo iyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento