Ika-31 ng Disyembre 2013
Ang Lahat ay abala sa kani kanilang ihahanda mamaya sa darating na noche buena. Ang aking nanay ay naka tatlong beses ng balik sa palengke.
Sa aking pag gising, agad akong kumain at nag ayos ng sarili. Inihanda ko na kaagad ang mga kakailanganin kong mga sangkap para sa gagawin kong buko salad.
Bentang benta ang mga ganitong handa lalo na kung kapaskuhan, bagong taon at sa kahit ano pa mang mga okasyon.
Sa loob ng aming tahanan, ako ay naitalaga sa mga paghihiwa ng mga sangkap tulad ng mga gulay at ang paborito kong mushrooms. Inayos ko rin ang mga prutas sa aming hapag kainan.
Sa pag sapit ng ika-3 ng hapon, kami ay nagtungo sa simbahan ng antipolo. Walang misa noon, kung kayat kami ay nag dasal na lamang ng mataimtim at hindi mawawala ang pag sindi namin ng kandila.
Pagkatapos naming mag simba, dumeretso agad kami ng tiyangge na matatagpuan banda sa dimasalang park. Napakaraming mga damit, laruan ang ibinebenta ng murang mura.
Ang iba nama'y nag bebenta ng mga ilegal na mga paputok tulad ng mga piccolo,sinturon ni hudas,twitis,pla-pla at madami pang iba.
Maya maya'y, nakaramdam kami ng gutom. Nagpunta kami sa Mc. Donalds at doon na kami kumain. Masarap na kwentuhan ang aming ginagawa ng biglang may natanggap kaming isang teks. Nasaksak daw ang aking pinsan, kayat dali dali kaming umuwi.
Sa aming pag uwi, sumalubong sa amin ang nag kukumpulang mga tao. Mayroon ding mga pulis na ioniimbestigahan ang mga pangyayari.
Maaga pa lamang ay marami ka ng makikitang mga fireworks sa kalangitan. May iba parig nag papaputok ng mga bawal. Pero, ang maganda rito e kakaunti na lamang ang gumagawa noon. Hindi tulad ng dati mabibingi ka talaga sa naglalakasang mga paputok.
Sa pagsapit ng alas 12 kami ay sabay sabay na kumain. Nagkaroon ng pagbilang hanggang alas 12 ng gabi, At sabay sabay na sinalubong ang bagong taon. Kahit na hindi na kami kumpleto ay dinaos parin namin ito ng masaya at masagana pero, ito lang ang nasabi ko : aalis ka na nga lang 2013 nagsama kapa.