Ika- 9 Ne Enero 2014
Lahat ng estudyante ay kinakailangang dumaan sa isang pagsusulit. Dito nalalaman kung may natutunan ba o wala ang isang estudyante. Bawat markahan ay kinakailangang kumuha ng isang pagsusulit. Isa ito sa mga pinag babasehan sa pag mamarka ng isang guro.
Huwebes ng umaga, "Maganda ang aking gising ngayon ah," ang nasabi ko sa sarili. Sa araw na ito, hindi ko muna iniintindi ang aking mga problema. Isinasantabi ko muna ang mga ito. Ayaw ko kaya na kumuha ng pagsusulit na madaming iniisip. Nakakapangit yun ano ? wala naman siguro ang may gusto na magkaroon ng huggard na mukha.
Unang pagsusulit namin ay ang asignaturang MAPEH. Nadalian lamang ako sa pagsasagot dahil nag balik aral talaga ako kagabi. Sinundan ng English at TLE at ang huli ay, Filipino.
Sa araw na ito, masasabi kong nadalian ako sa mga pagsusulit. Marahil, wala dito ang mga asignaturang kinatatakutan ng mga estudyante. Ngunit, isa lang naman ang iniisip ko, nasa saiyo iyan kung mamahalin mo ng buong buo ang mga asignatura. Lahat ng ito ay may karunungang hatid sa atig lahat. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento