Miyerkules, Marso 12, 2014

Suring Kanta

Lord Patawad

              Isa sa mga naging kilala at naging sikat na awitin sa Pilipinas ay ang kantang Lord Patawad. Ito ay isang rap na awitin na inawit ni Basilyo. 


                                   Bukod sa pagiging sikat nito dahil sa uso na nga ang mga ganitong kantahan, maganda rin ang nais iparating na mensahe ng kanta. Ipinaparating nito ang karaniwang ginagawa ng isang tao. Na kesyo nakuha na ang gusto nakalilinutan na nila ang panginoon. sa liriko palang na "kinakausap lang kita kapag akoy nangangailangan" mababatid na kaagad natin kung sino ang tinutukoy dito. Binanggit din sa kanta ang mga madalas kahilingan ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan. Madalas ang kahilingan ay mga materyal na bagay at mga kaluhuan. May mga linya rin sa kanta na kung saan kung ano yung mga karaniwang ginagawa ng mga tao sa simbahan.

                             Napakaganda ng naging chorus ng kanta, dahil sa pagsisisi niya sa kanyang kasalanan. Sa tingin ko'y bagay ito sa mga taong nananalangin lamang kapag may kailangan at hindi na nakakaalala kapag nakuha na ang kahilingan. napakalakas ng tama sa damdamin ng mensahe sa mga ganiyang tao. 

Suring pampelikula

Bride For Rent

        Isa sa mga pelikulang nagpakilik sa puso at nagpahalakhak sa mga pilipino ay ang pinaka unang Romantic-Comedy ng taong 2014 --ang Bride For Rent na may tema na dapat pinahahalagahan ang nandiyan at maniwala sa tunay na pag ibig. Ito ay sa direksyon ni Direktor Mae Czarina Cruz. 



                      Pumatok ito kaagad sa panlasa ng mga pilipino at umani ng mga parangal tulad ng  second highest grossing Filipino romantic comedy movie of all-time. Naging Block buster of the year rin ang pelikulang ito. 

                           Pinangunahan ito ni Kim chiu na gumanap bilang Racquelita Dela cruz a.k.a Rocky. Si Xian Lim naman Bilang Roderico Espiritu a.k.a Rocco at Si Pilita Corales Bilang Lala Avelina Corazon. Marami rin mga baikang aktor tulad nina Empoy, Dennis Padilla at Martin Del Rosario at marami pang iba.



                         Napansin kong naging kakaiba rin ang naging umpisa ng pelikula. Nagsimula kasi ito sa panaginip ni rocky na siya ring makikita mo sa bandang gitna ng palabas.


                   Kung susuriin mabuti ang pelikula, nakapag tataka kung bakit naging bride for rent ang pamagat ng pelikulang ito. Kung itoy hindi mo pa napapanood, masasabi mong kay rocky umiikot ang kwento. Ngunit mali pala, kay rocco umiikot ang kwento . Napaka Ganda ng Plot ng kwento. Si Rocco ay Nangangailangan ng Instnant 10 Million pesos Dahil siya ay natalo sa casino. Wala siyang ibang mapagkukunan kung hindi ang trust fund na makukuha niya sa kanyang lala. Ngunit, makukuha niya lamang ito kapag siya ay nasa edad 25 na at kung siya ay kasal na. Kaya naman isa isa niyang binalikan ang mga naging-ex girl friend niya ngunit, ni isa rito ay walang pumayag na pakasalan siya kaya nag desisyon siya na mag pa audition para magpanggap bilang asawa ni rocco.



                   Isa sa mga nag audition ay si Rocky. Kinakailangan niya ang pera dahil sa anim na buwan na silang hindi nakababayad ng renta. Kung wala siyang maipambabayad dito, mawawalan sila ng tirahan. Tinanggap ni rocky ang offer ni rocco sa kanya. Ngunit nabunyag ang malaking pagpapanggap nila. Nalaman ito ng kanilang lala at kinuha si rocky upang ituloy pa ang pag papanggap. Itoy para turuan ng leksyon si rocco. Nagpatuloy ang kunwaring pag papanggap hanggang sa nagsama nila sa iisang titirahan.



                          May mga rules sila na ginawa sa loob ng bahay at hindi sila nagtatabi sa iisang kama hanggang sa mahulog na ang loob nila sa isat isa.

                         Napansin kong hindi masyadong nilagyan ng mga background music ang pelikula. ngunit ang tatlong kantang isinaliw dito ay talaga naman bumagay at nakatulong sa pagkurot sa mga puso ng mga manonood. Kung pag susuriin namn ang kanilang mga diyalogo, malalaman mo kaagad ang estado ng kanilang mga pamumuhay.

                       Sa palagay ko patok at bagay ito sa mga panlasa ng mga magkasintahan na nagbabalak mag pakasal o sa mga taong hindi naniniwala sa mirriage. Bukod sa nakakainspired siya basahin, maraming mga aral na iyong matututunan.




Sabado, Pebrero 22, 2014

Best experience ever :D

Ika- 14 ng Pebrero 2014


                        Isa sa pinaka espesyal na araw ng pebrero ay ang araw kung saaan pinag diriwang natin ang Araw ng mga puso. Siguro, sa mga may kasintahan , sa mga nagmamahalan, heto ang espesyal na araw nilang dalawa. Pero sa aming mga High school students ? Hindi siyempre :D



                       Magiging masaya ang Araw na ito hindi dahil sa may ka date kami kung hindi dahil ito na ang pinaka aantay naming sandali sa aming high school life---ang JS Prominade :) Bukod sa lahatkami ay magiging pormal sa araw na iyon, naging maganda rin ang mga karanasan namin.

Isa sa mga larawan naming mag kakaklase :D


                        Nag martsa ang lahat, dahil sa kami ay pilot section ng junior, kami ang unang pumasok sinundan ng ibat ibang pangka, mga guro, at mga mag aaral ng ika apat na taon. Pag katapos ay siyempre kami ay nanalangin. Nagkaroon ng mga speech sina kapitan,ang aming mahal na punong guro, at kagawad. Nag bigay sila ng ibat ibang payo at mga karanasan.
Nag sayaw rin ang mga kutilyon. Makikita ang eleganteng mga galawan nila at sinabayan pa ng makikinang at cute na cute na mga damit nila.


                                                              Cotillion de honor

                            Isa rin sa kinasasabikan ko ay ang pag sayaw sa akin ang mga kalalakihan. :) natutuwa ako dahil sa mahigit na labing lima ang umaya sa akin na sumayaw. Ibat ibang istilo ang ginagawa ng mga estudyante. May nag papa blindfold tapos sasadyaing ipunta yung babae dun sa gusto niya. Ang nakakaloka lang,  Eh kung bakit ako ang suking suki na isinasayaw ng mga naka blind fold. :) pero ayos lang dahil natutuwa ako sa mga bago kong kakilala.

                          Para sa akin ito yung mga pagkakataon na hindi dapat pinapalagpas dahil isa ito sa mga masasayang araw atmasasayang kabanata ng high school life :)

Miyerkules, Pebrero 5, 2014

Lidership ang kailangan !

Ika-5 ng Enero 2014

                           Martes ng umaga, tinanghali ng gising. Kakainis naman >.< Nagmamadali akong pumasok kaya hindi na ako nakakain ng maayos. Sa pagpasok ko sa eskwela,pagbabang-pagbaba ko sa aking sinasakyan ay dali-dali at nag tatatakbo akong pumasok sa gate. Mag aalas -6 na kasi ng akoy pumasok. mabuti nalang at hindi ako nahuli sa klase.

                          Sa oras ng mapeh,Sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag ni Bb. Cerilo ay dumating ang mga mangangampanya para sa darating na eleksyon ng SSG Officers. Mahalagang pumili kami ng mabuti dahil nasa kanila ang mga responsibilidad ng paaralan. Ang dalawang partido ay nag pagalingan sa paghihikayat may isang grupo na nakaaliw at napakagaling nila manghikayat at bukod pa doon, binubuo ng kanilang partido ng may mga kasanayan na at may mga karanasan na sa pagpapatakbo ng mga sistema ng paaralan. Ang isang grupo nama'y halatang bago pa lamang at nariyan din ang kanilang kaba habang nag papakilala.
Kanya-kanyang paliwanag rin ng mga plataporma. Kung paano gaganda ang eskwelahan at paano mapapanatili ang katahimikan (na ni minsan ay indi naging uso sa III-Diamond).



                         Sa oras ng Filipino, aming tinalakay ang akda ni Genoveva Matute na "Bangkang Papel".
Aming sinuri ang nilalaman nito sa pamamagitan ng pangkatang gawain na kung saan ay binigyan ang bawat grupo ng mga matatalinhagang pahayag at kinakailangan namin itong sagutin. :)

Miyerkules, Enero 22, 2014

Ika- 22 ng Enero 2014

                                       Ngayon ay huwebes,bagong talakayan sa Chemistry patungkol sa  "Ideal gas law" medyo ayus lang ang topic na yun.Sa oras ng Mapeh nagkaroon din kami nang bagong talakayan patungkol sa tamang pangangatawan.Sa oras ng Filipino ay pinagpatuloy namin ang talakayan tungkol sa "Ang Kalupi",pagkatapos ay inalam namin ang kahulugan ng banghaysaka inalam ang banghay  sa akda.Nagkaroon kami ng takdang aralin patungkol rito.Sa oras naman ng TLE ay pinatayo kami ni Ma'am Hannah kasi sa subra naming ingay,nakakaawa nga si ma'am hannah ehh paiyak na siya sa mga oras na iyun.Nang uwian na ay naiawan ang lahat nang Diamond sa Court  para sa orientation para sa Scholar.

Martes, Enero 21, 2014

Ika- 21 ng Enero 2014

                       Araw ng martes, Nasasabik na akong pumasok dahil ngayon na namin gagawain ang presentasyon sa Mapeh. May halong kaba at pag kasaya ang aking nararamdaman. Unang beses ko kasing sumayaw sa harap ng maraming tao ^.^ Matagumpay naming nairaos ang presentasyon at maganda naman ang kinalabasan nito.

Lunes, Enero 20, 2014

Exhibit

Ika- 20 ng Enero 2014

                             Lunes nanaman, Malamang pasok ng maaga saa eskwela dahil Flag Ceremony :) Nagkaroon ng exhibit sa asignaturang filipino. nag dala kami ng papel para mailista kung ano ang mga ibat ibang bagay na matatagpuan doon.  Magsisilbi itong unang pag susulit. Sa oras naman ng Filipino, Kami ay gumawa lamang ng tulang pandamdamin. Pagkatapos naman ng klase ay nag general pracice kami para sa gaganapin na presentasyon bukas :)

Sabado, Enero 18, 2014

Pahinga dapat to eh.

Ika- 18 ng Enero 2014

                     Ang mga manggagawa ay may tinatawag na day off. Pero kaming  mag aaral day off para sa amin ang ang sabado at linggo. Ngunit paano kung pati sabado ay kailangan mong pumasok para makapag ensayo sa para sadarating na presentasyon.

                   Sabado, Pupunta kami ng eskwela para mag ensayo. Kinakailangan namin mabuo ang sayaw para may marka kami sa proyekto namin sa mapeh. Napag isip isip ko na medyo bilugan na ang aking katawan kaya sa halip na sumakay naglakad na lamang ako. Hindi ko inisip ang mga pawis na pweding pumatak sa bawat hakbang na aking gagawin sa halip, inisip ko na kung  ako ay magalalakad tipid pamasahe,bawas polusyon, at higit sa lahat papayat pa ako. Bukod pa doon, habang ako ay naglalakad paakyat,kumukuha ako ng litrato para kahit papaano nahihibang ako at hindi solo baliw na naglalakad sa daanan.

                 Kakaunti lamang ang dumalo na mga kagrupo ko ngunit kahit na ganoon, hindi iyo naging hadlang para kami ay mag ensayo. matiyaga kami na sumayaw kahit mainit ang panahon. Tinuruan amin at tinulungan namin ang bawat isa para mskumpleto ang aming proyekto. Inabot kami ng hanggang alas -5 ng hapon at pagkauwi ko ay diretso tulog agad ako.

Biyernes, Enero 17, 2014

Wala sila ? malungkot o masaya

Ika-17 ng Enero 2014

                Bawat guro ay may kalakip na malaking responsibilidad. Sa kanila nakasalalay ang pagiging matalino ng isang bata.Kung baga, sila na ang magulang namin sa pangalawang tahanan. Pero, akala mo ba madali ang maging isang guro ? hindi ano. Kahit di ko pa nararanasan alam ko kung ano ang hirap na pinag dadaanan nila. anjan yung pag gawa ng lesson plans,mga visual na gagamitin sa pagtuturo pag kokompyut ng mga marka at marami pang iba.

             Kaya ngayon, naiintindihan ko kung bakit minsan ay wala sila para magturo sa amin. Dahil bilang isang mag aaral, kailangan din namin silang unaawain.

Huwebes, Enero 16, 2014

Mahal ko sila

Ika- 16 ng Enero 2014

                 Sabi nga nila, ang pundasyon ng bawat pamilya ay ating mga magulang. Sila ang nagsilbing gabay,inspirasyon,magulang, at kaibigan. Ayos diba ? All in one. Ngunit, bakit ba sa kabila ng kabutihang ginagawa nila sa atin ay kasamaan pa ang ating isinusukli.

                 Lahat naman siguro tayo ay sumuway na sa kani-kaniyang mga magulang. Walang tao ang hindi pa nakagagawa nito. Ngunit, kahit minsan ba naisip natin kung gaano kahirap ang mga isinasakripisyo nila para lang mabuhay tayo,makapag aral, at masunod ang kung ano-ano pang mga kagustuhan at mga luho. 

                 Marahil, Ngayong kabataan ay nahihiya tayo na ipadama sa kanila kung gaano natin sila kamahal. Kung gaano sila kahalaga at kaimportante sa atin. Ngunit, hihintayin paba natin ang kanilang pagpanaw o pagkawala bago natin ipadama sa kanila na mahal natin sila.

                Ang drama ko diba ? ayan kasi ang eksaktong natutunan ko at napag isip isip ko noong ipinarinig sa amin ni maam ang kanta. Sa tuwing naririnig ko ag kantang iyon, tila akoy iiyak na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung kinukonsensya ako o sadyang anlakas lang talaga ng impact sa akin noong kanta.

Miyerkules, Enero 15, 2014

Radyo kami !

Ika- 15 ng Enero 2014

                     Ngayon ay ipinapasa ang takdang aralin namin sa filipino na kung saan ay mag papasa kami ng kanta na tumatalakay ng pag mamahal sa ina. Halos lahat ng pinasa amin ay iingatan ka atsa ugoy ng duyan. Hindi ko alam kung wala na talagang alam na kanta o sadyang nagkopyahan lang.

                    Pagkataps noon ay nagkaroon kami ng laro. Kung saan bawat pangkat ay aawit ng mga ipinasa naming mga kanta. mabilis kaming natanggal dahil sa wala ng ibang kanta. pero ayos lang ang mahalaga lahat kami ay masaya at nag kaisa.

Martes, Enero 14, 2014

Ang sama ko pala :(

Ika- 14 ng Enero 2014

          Ngayong araw ay tinalakay namin ang akdang Ang Pamana. Nang aming binasa ang akda, naalala ko ang nangyari noong recollection. Tinatalakay kasi ng tula ang pagmamahal ng magulang sa kanyang ina. Naantig ang aking damdamin na tila may kumukurot sa aking puso. Dito ko napag isip isip kung gaano ako kamahal ng aking magulang.

Lunes, Enero 13, 2014

Bagong Silid !

Ika- 13 ng Enero 2014

             Bagong silid nanaman ang aming ginagamit sa ngayon. Kulang kasi ang aming mga silid aralan sa aming paaralan. Lingid sa inyong kaalaman, May mga estudyante na kailangan mag tiyaga na mag klase sa court. Maraming nakaiistorbo na di talaga maiiwasang hindi mo lilingunan. Hindi kayo magkakaintindihan dahil sa malawak ang espasyo at di magkarinigan. Ganyan ang eksaktong nangyari sa amin noong kami ay nag klase doon. Halos lahat sa amin ay bumagsak at bumaba ang marka. Kaya, mabuti na lamang ay mayroon na kaming silid.

           Sa di pa nakakaalam, Ika- 4 na silid na namin iyon. Bawat markahan ay lumilipat kami ng silid. Sana naman mapanatili namin ang kalinisan at katahimikan dahil sa malapit na kami sa tanggapan ng punong guro.

Linggo, Enero 12, 2014

Para akong lalaki

Ika- 12 ng Enero 2014

            Tiktilaok ! sabi ng manok . Ayan ang pambungad na Aking narinig at iyan din ang dahilan kung bakit ako nagising. Sa aking pag gising aagad akong nag almusal pagkatapos, naglinis ako ng bahay. Ewan, ano ba ang nakain ko at biglang sumipag ako. Sana, anito nalang araw araw. :D

            Sinimulan ko ang paglilinis sa aking silid. Naiirita ako anung nakita ko ang kalat. Ngayon ko lang napag isip isip na wala talagang naidudulot ang pagiging tamad. Hindi ko lubos na maisip na kababae kong tao na ang burara burara ko sa gamit.

          Buong araw ay ion lamang ang aking ginawa. Sa sobrang pagod ay napabulong ako na :
Hindi na ako magkakalat.

Sabado, Enero 11, 2014

Ngayon alam mo na.

Ika- 11 ng Enero 2014

            Sabado ng umaga, katatapos lang ng pagsusulit namin kahapon at hayahay nanaman kami ngayon. At siyempre, wala kaming mga takdang aralin. Buong araw ay wala akong inisip kung hindi kumain,matulog,magbasa paulit ulit lang ang sistema ng aking pamumuhay. Ngayon alam nyo na ? 

           Pagsapit ng katanghalian, Wala akong ginawa kung hindi manuod ng manuod ng pelikula. Hilig ko kasi ang mga pelikula lalo na ang mga gawang pinoy.

Huwebes, Enero 9, 2014

Dagdag inaanak nanaman xD

Ika- 9 ng Enero 2014

                            Araw ng linggo, SA  kalagitnaan ng aking masarap na pagtulog ng biglang, TOK ! TOK! TOK! ang tunog ng maingayat kumakalabog na pintuan. agad akong bumangon at binuksan ito. "sino yan ? ang aking tanong. Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang aking bhabesFriend na si Eureka. Nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata o_O damang dama ko pa ang papiit pikit kong mga mata noon.

                          Ako noon ay naghahanda na ng aking saili para sa gaganaping binyagan. Kinuha nanamankasi akong ninang -_- napapaisiptuloy ako kung bakit suking suki ako sa mga ganyang okasyon eh, wala pa naman akong trabaho. Nang mag aalas- 10 na ng umaga, dali dalina akong nagtungo sa binyagan.dala ang pakimkim na ibibigay. (bawas ipon nanaman tuloy) sayang din yun. peo ok lang. 

                         Sa simbahan madami ring mga ritual na ginawa.Katulad ng kailangan nakahawak ang mga ninong at ninang sa bata kapag ito aybibinyagan na at yung isay papapakain ng asin sa bata ng pari. Hindi ko alam kung para saan ang mga ritwal na ganoon.Pero ang saamin lamang, wala namang masama kung sumunod :)

Kampante ako ngayon ah :)

Ika- 9 Ne Enero 2014

                 Lahat ng estudyante ay kinakailangang dumaan sa isang pagsusulit. Dito nalalaman kung may natutunan ba o wala ang isang estudyante. Bawat markahan ay kinakailangang kumuha ng isang pagsusulit. Isa ito sa mga pinag babasehan sa pag mamarka ng isang guro.


                Huwebes ng umaga, "Maganda ang aking gising ngayon ah," ang nasabi ko sa sarili. Sa araw na ito, hindi ko muna iniintindi ang aking mga problema. Isinasantabi ko muna ang mga ito. Ayaw ko kaya na kumuha ng pagsusulit na madaming iniisip. Nakakapangit yun ano ? wala naman siguro ang may gusto na magkaroon ng huggard na mukha.

              Unang pagsusulit namin ay ang asignaturang  MAPEH. Nadalian lamang ako sa pagsasagot dahil nag balik aral talaga ako kagabi. Sinundan ng English at TLE at ang huli ay, Filipino.

  

                   Sa araw na ito, masasabi kong nadalian ako sa mga pagsusulit. Marahil, wala dito ang mga asignaturang kinatatakutan ng mga estudyante. Ngunit, isa lang naman ang iniisip ko, nasa saiyo iyan kung mamahalin mo ng buong buo ang mga asignatura. Lahat ng ito ay may karunungang hatid sa atig lahat. :)



Miyerkules, Enero 8, 2014

Tinatamad ako ngayon, Bakit kaya ?

Ika- 8 Ng Enero 2014

                 Hoho :) Pagsusulit na namin bukas. Sa aming pagpasok, sa unang asignatura pa lamang ay ibinigay na sa amin ang mga kailangan naming balik aralan. Kinakabahan ako ! ang sabi ko sa sarili ko, Katulad din naman siguro ng ibang estudyante, Kabado rin. 

              Sa kalahating araw na pamamalagi namion sa eskwelahan, wala kaming ginawa kung hindi ang mag balik aral. Yung iba nama'y magpapagawa ng mga aktibidades. 

             Sa oras ng Filipino, Nagkaroon kami ng isang mahabang pagsusulit. Sa paglabas ng resulta, Ako ay natuwa dahil sa mataas kong nakuhang Iskor. Kahit sino naman siguro magagalak sa ganoon. Dahil bilang estudyante, nakapapawi na sa aming pagod ang mga pasadong iskor tulad niyon.

            Sa paglipas ng hapon,  Tinatamad talaga ako magbalik aral. Pinilit ko parin kahit ganoon. Para sa akin rin naman kasi iyon. Nag balik aral ako ng mabuti at hindi na muling lumabas dahil mas naisip ko ang aking isasagot bukas.

Biyernes, Enero 3, 2014

Paghahanda :)

Ika-2 ng Enero 2014

                    Huwebes ng umaga, Ako ay abala na sa pag aayos ng aking mga gamit pang eskwela. Akin ng inihanda ang aking uniporme, ang aking mga kwaderno. Para narin hindi na ako gahulin sa oras.

                   Haay ! Andami pala naming mga proyekto, wala pa ako natatapos kahit isa. Kung bakit ba naman kasi sinabayan pa ng sakit.
oo nga pala, diko panababanggit, masama kasi pakiramdam ko ngayon.

                  Maghapon lamang akong nakahiga dahil sa bagsak ang aking katawan. hindi ko maigalaw ng maayos ang aking mga daliri kaya mas minabuti ko muna na wag ko ng pilitin ang aking sarili sa anumang gawain

Miyerkules, Enero 1, 2014

bagong taon bagong buhay

Ika-1 ng Enero 2014

                Bagong taon bagong buhay ! Mga kasabihan na madalas bitawan ng mga tao tuwing bagong taon. Lahat tayo ay may mga hinihiling. Mapa pisikal, emosyonal, at sosyal na pangangailangan.

                   Bangon na ! Tanghali na ! Ang pambungad na salita naanaman ngayong umaga. Tanghali na nang kami ay magising marahil, Sobra kaming napagod. May mga natirang handa na siyang nag silbing agahan namin. Sayang naman kasi kung itoy itatapon na lamang.

                 Tanghaling tapat ng akoy mag punta sa kompyuteran. Dali dali akong nag apdeyt ng blog. Nakakainis lang kasi, nagbakasyon ako, nagbakasyon din ang aking blog. Mabuti na lang at isinusulat ko sa papel ang mga pangyayari bawat lumipas ang araw. 

                Sa mga susunod na pangyayari, wala ng mga nakakainteresadong ikwento kaya hanggang dito nalang :D