Talaarawan :)
Ika-19 ng Nobyembre 2013
Ngayong araw ay inobserbahan ang pagtuturo ni Gng. Mixto ng aming kagalang galang na punong guro.Ang pangkat apat ay naatasan na iulat ang tungkol sa akda na Tata Selo ni Rogelio Sikat, iniulat nila ito sa pamamagitan ng pagsasadula ngunit may kaunting hiya na iyong madadatnan at kaunting ilang dahil sa kailangang mag pakitang gilas ng mga nagsasagawa ng dula sa unahan. matagumpay nilang naiulat ang mga pangyayaring naganap sa loob ng akda ngunit,masyado sigurong napahaba ang kanilang presentasyon kung kaya't tinulungan na sila ni Gng. Mixto.Pagkatapos ng pag uulat,Nagkaroon kami ng isang pankatang gawain kung saan lahat kami ng bawat pangkat ay binigyan ng ibat ibang uri ng gawain,itoy matagumpay naming natapos at naiulat at sa pagtatapos, humanga sa amin ang punong guro at aming guro dahil sa partisipasyon na aming ginawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento