Luha ni Rufino alejandro
LUHARUFINO ALEJANDRO
IWalang unang pagsisi,ito'y laging huliDalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalimSa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahilNang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!IINang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipanMay biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay,ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan."IIINg kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggapNang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggapIVMalayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahanNa ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya'tIsang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!VKaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabiKundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagitIluha ang aking palad na napakaapi!VIDaloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasaAng pusong nabagbag sa dagat ng buhay;Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento