Sabado, Pebrero 22, 2014

Best experience ever :D

Ika- 14 ng Pebrero 2014


                        Isa sa pinaka espesyal na araw ng pebrero ay ang araw kung saaan pinag diriwang natin ang Araw ng mga puso. Siguro, sa mga may kasintahan , sa mga nagmamahalan, heto ang espesyal na araw nilang dalawa. Pero sa aming mga High school students ? Hindi siyempre :D



                       Magiging masaya ang Araw na ito hindi dahil sa may ka date kami kung hindi dahil ito na ang pinaka aantay naming sandali sa aming high school life---ang JS Prominade :) Bukod sa lahatkami ay magiging pormal sa araw na iyon, naging maganda rin ang mga karanasan namin.

Isa sa mga larawan naming mag kakaklase :D


                        Nag martsa ang lahat, dahil sa kami ay pilot section ng junior, kami ang unang pumasok sinundan ng ibat ibang pangka, mga guro, at mga mag aaral ng ika apat na taon. Pag katapos ay siyempre kami ay nanalangin. Nagkaroon ng mga speech sina kapitan,ang aming mahal na punong guro, at kagawad. Nag bigay sila ng ibat ibang payo at mga karanasan.
Nag sayaw rin ang mga kutilyon. Makikita ang eleganteng mga galawan nila at sinabayan pa ng makikinang at cute na cute na mga damit nila.


                                                              Cotillion de honor

                            Isa rin sa kinasasabikan ko ay ang pag sayaw sa akin ang mga kalalakihan. :) natutuwa ako dahil sa mahigit na labing lima ang umaya sa akin na sumayaw. Ibat ibang istilo ang ginagawa ng mga estudyante. May nag papa blindfold tapos sasadyaing ipunta yung babae dun sa gusto niya. Ang nakakaloka lang,  Eh kung bakit ako ang suking suki na isinasayaw ng mga naka blind fold. :) pero ayos lang dahil natutuwa ako sa mga bago kong kakilala.

                          Para sa akin ito yung mga pagkakataon na hindi dapat pinapalagpas dahil isa ito sa mga masasayang araw atmasasayang kabanata ng high school life :)

Miyerkules, Pebrero 5, 2014

Lidership ang kailangan !

Ika-5 ng Enero 2014

                           Martes ng umaga, tinanghali ng gising. Kakainis naman >.< Nagmamadali akong pumasok kaya hindi na ako nakakain ng maayos. Sa pagpasok ko sa eskwela,pagbabang-pagbaba ko sa aking sinasakyan ay dali-dali at nag tatatakbo akong pumasok sa gate. Mag aalas -6 na kasi ng akoy pumasok. mabuti nalang at hindi ako nahuli sa klase.

                          Sa oras ng mapeh,Sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag ni Bb. Cerilo ay dumating ang mga mangangampanya para sa darating na eleksyon ng SSG Officers. Mahalagang pumili kami ng mabuti dahil nasa kanila ang mga responsibilidad ng paaralan. Ang dalawang partido ay nag pagalingan sa paghihikayat may isang grupo na nakaaliw at napakagaling nila manghikayat at bukod pa doon, binubuo ng kanilang partido ng may mga kasanayan na at may mga karanasan na sa pagpapatakbo ng mga sistema ng paaralan. Ang isang grupo nama'y halatang bago pa lamang at nariyan din ang kanilang kaba habang nag papakilala.
Kanya-kanyang paliwanag rin ng mga plataporma. Kung paano gaganda ang eskwelahan at paano mapapanatili ang katahimikan (na ni minsan ay indi naging uso sa III-Diamond).



                         Sa oras ng Filipino, aming tinalakay ang akda ni Genoveva Matute na "Bangkang Papel".
Aming sinuri ang nilalaman nito sa pamamagitan ng pangkatang gawain na kung saan ay binigyan ang bawat grupo ng mga matatalinhagang pahayag at kinakailangan namin itong sagutin. :)